Ako? gigising sa umaga, magpapasalamat sa bagong araw na pinagkaloob nya at hihingi ng gabay sa panibagong araw na tatahakin ko kasama ang mga taong mahal ko, at mahal ako.
Kapag late na gising diretso na ligo at baka malate na NAMAN sa klase. HAHA hindi na bago saken, sanay na sanay na ko sa sarili ko.
Magpapaalam sa lahat ng tao sa bahay ng may kasamang halik sa pisngi.
Maglalakad. tamad akong magdala ng payong kaya hanggat may malilim, dun ako dumadaan .. Haha
mag aabang ng jeep, pagsakay mag aabot ng bayad. “Manong, bayad ho, estudyante po” para naman may discount
Soundtrip habang bumabyahe. nakakabagot kasi lalo na kapag traffic.
Ayun na sa bababaan na, tatawid at makikipaglaro sa mga sasakyan na humaharurot. sasakay namuli at magbabayad, ” bayad po, sa verdant lang po” kapag baba sa sasakyan. Ayan na si ABE .. Pag may nakasalubong na kakilala, Hi sabay ngiti lang, sa mga di kilala snob lang, haha kala mo kung sinong maganda e .. haha
Pagkatapos bubungad na ang napakapaborito ng lahat ang aming prof si “___” hehe..
Another activities na naman, maririnig ko na naman na parang may mg abubuyog sa tabi ko na nagbubulungan at puro reklamo ang aking mga kamag aral.
O ayan vacant na. kakain na, e biglang nasalubong pa si crush. napangiti na naman
sabay Ayiii ng mga tropa. Sus ko! Ang mga tropa ko talaga , sila pa ang mas unang kinikilig kesa saken. haha
Meron pang natitirang vacant, e di Sm tapos maglalaro ng Ferrari biglang mamamalayan wala na palang pera. haha tapos mangungutang sa tropa, “oy pautang naman bukas bayad, promise
. oh may promise pa para totoo. haha
balik ulit sa skul klase ulit hanggang sa mag uwian na naman .. Uhm “San tayo?” laging tanong ng tropa. “Saan pa ba? e di tara uwi!” sagot ko naman. e mabait ako, HAH? haha kaya diretso uwi, dadaan sa palengke at kung meron natitirang pera bibili ng konting pasalubong para sa pamilya.
Pag uwi. bagsak ng gamit. kakaen, konting nood, konting babad sa computer.
At matatapos rin ang araw ko na hindi ko sya nakakalimutang pasalamatan para naman sa araw na ipinagkaloob nya.
Ayun. Simple lang ang takbo ng buhay paminsan minsan
)